Ako ay makulit
nangungulit ng nangungulit
Pilit na nangungulit ng paulit ulit
Pero kahit ganoon hindi ako mapanlait
Ako ay mabait
Mabait kahit sa pangit
Masaya kahit nagagalit
nalulungkot pero madaling mawaglit
Ako ay nagmamahal
Nagmamahal kahit bigas ay nagmamahal
Napapagod at unti unting humihingal
kahit katawan ay nangangatal.
Ako
Simpleng ako.
pangakong magpapakatotoo
Sa harap man ng Panginoong Kristo

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento