Martes, Abril 26, 2016

Ako

Ako ay makulit
nangungulit ng nangungulit
Pilit na nangungulit ng paulit ulit
Pero kahit ganoon hindi ako mapanlait

Ako ay mabait
Mabait kahit sa pangit
Masaya kahit nagagalit
nalulungkot pero madaling mawaglit

Ako ay nagmamahal
Nagmamahal kahit bigas ay nagmamahal
Napapagod at unti unting humihingal
kahit katawan ay nangangatal.

Ako
Simpleng ako.
pangakong magpapakatotoo
Sa harap man ng Panginoong Kristo

Pangarap

Pangarap? Mahirap daw ito abutin. Oo, mahirap itong abutin andito yung puro problema o pagsubok ang humaharang. Pero ikaw? ano nga ba ang mga dahilan kung bakit tayo ay may pangarap? Kung bakit gusto natin ito matupad.

Ang pangarap kaya nagiging pangarap kasi ito yung bagay na gusto natin. Ito yung mga bagay na magpapasaya sa atin at mag papagaan ng buhay natin. Sa sobrang dami ng problema andito pumapasok yung salitang pagsubok, andito yung hirap na hirap kana pero naiisip mo nalang yung mga positibong resulta o diba? sobrang hirap. Pero kung maiisip mo naman ang resulta ng pinaghirapan mo maiisip mo na worth it naman ang paghihirap mo, ang pagsasakripisyo mo. At kung susuko ka man andiyan si God para tulungan ka humakbang muli at bumangon muli at magsimulang mangarap ulit.

Pamilya

Mahal kong pamilya
Ako'y nag sisikap aking ina
na makapagtapos ng aking pag aaral
ng dahil na din sa iyong pangaral.

Kahit mahirap ay aking malalasap
na makamit ang munting pangarap
ako'y hintayin
pangarap ko'y aking aabutin

Hanggang dito nalang muna
Sisikapin kong kayo ang mauuna
at sa bandang huli aking pamilya
itataya ang lahat para kayo ay sumaya.

Kaibigan

Kaibigan? Sila yung taong nandiyan twing may problema ka.
yung kahit anong ugali na ipakita mo, ay hindi ka nila iiwan
kahit na gaano ka kasama o mabuti ay nandiyan  padin sila.
Ewan? sila na siguro yung parang ikalawang kapatid mo diba?

Pero sa panahon ngayon madalang ang totoong kaibigan,
Andyan yung akala mo totoo pinapakita nila yun pala hindi talaga. Pakitang tao kumbaga
Pero kahit ganoon kailangan mo silang maunawaan kahit ganun sila.
Isipin mo nalang na part na ng pagiging tao nila yun kaya sila ganun :)

Biyernes, Abril 22, 2016

Love?


Is it Love? Para sayo ano nga ba ang LOVE? Yung handang magpaka tanga para lang maging masaya? handang maging bulag para lang sa katotohanan? ano nga ba ito para sa atin.

Isang musmos pa lang na hindi alam kung ano nga ba ito. Sabi nila masakit daw maramdaman ito napaisip ako ng malalim bakit? ano bang meron sa salitang "Love"? Is it true that sometimes the heart can beating fast when you see her/his? so it is called love? I think so...Nung naramdaman ko ito sa aking sarili napaisip ako. Ang saya mag mahal, Pagmamahal sa pamilya, pagmamahal sa kaibigan at lalo na ang pagmamahal kay God. Naramdaman ko na pala ito simula nung aking pagsilang pa lamang.

Ang saya, Sobrang saya

Miyerkules, Abril 13, 2016

Pag ibig at pantasya na gawa ko mag isa.

Sa mundong ito
puso mo'y hindi alam ang totoo
kaya sa panahon na ito
pati isip mo ay gulong gulo.
Pagmamahal na inangkin
Maling landas ang tatahakin
Iisang nagmamahal
Sakit sa puso'y nagtagal
Pantasyang mahalin
Pag asang masusuklian din
Isa lang ang masasabi ko
Ako'y tapat at nagmamahal sayo ng totoo.

- eura

Paano ba ang mag move-on?

Paano nga ba ang mag move-on?
eto ba yung kapag nasaktan ka, agad agad makakalimutan mo na siya?
Yung tipong ginawa mo na lahat pero hindi mo padin siya makalimutan.
Napaka hirap diba? Kung gaano kadali ang mag mahal,
Ganun din kahirap maka move-on. Pero eto lang masasabi ko sayo
hindi man siya ang nakatuluyan mo it doesn't mean na huminto na ang storya ng buhay mo.
Isa lang siyang lesson na nag paranas at dumaan sa buhay mo at nag pasaya sayo.
masakit man mag move-on,
Pero kung may kapatawaran ka sa sakit na yun at mag mahal ulit hinding hindi ka na masasaktan pa ika nga nila True love waits...
God creates the happy ending in all of us
- eura

Ang Puso ay Natuturuan din.

Pusong natuturuan? o Pusong nagkukusa? Sino nga ba ang masusunod sa dalawang ito? Ang Pusong natuturuan din kahit mahal mo padin? O yung Pusong nagkukusa na bukal sayong kalooban.
Ewan, minsan sa pagkakataon na ito. Nasasaiyo ang kasagutan, ang iyong kasiyahan. Tama bang ipagpatuloy pa ang nararamdaman  kahit sa puso mo ikaw ay nasasaktan? Tuturuan ba ulit ang puso para lang maging masaya ka ulit o kusang pananalitihin sa puso mong mahal mo siya kahit nasasaktan kapadin.

Ang tunay na Kalayaan.

Kalayaan na pumili ng desisyon. Na kalayaang pakawalan siya kahit mahal na mahal mo siya. Yung tipong mali ang panahon at mali ang timing ng pagpili sa desisyon na tinahak mo? Masakit diba? Masakit na mahal nyo ang isa't isa pero walang kayo, walang patutunguhan ang relasyon niyo kasi wala pa sa tamang panahon...

Kaya eto ka ngayon, naghihintay muli ng tamang panahon...na ang kalayaan mo sa ngayon ay naging tamang dahilan para maging kayo muli at sabay na tatahak sa harap ng altar ng panginoon.

Para Sayo kaibigan.


Aking kaibigan, itinuturing kong kapatid. Ayaw kong makikita kang nasasaktan. Sa oras na kasiyahan ikaw ang aking kasama, sa oras na kalungkutan ikaw ang aking kadamayan, sa oras ng kalokohan ikaw ang nangunguna pero sa oras na ito...aking kaibigan
nandito ako sa tabi mo..payo ko lang sayo kaibigan kakayanin natin lahat ng ito basta magkasama tayo, magkasakitan man tayo. Sisiguraduhin ko na hindi tayo magkakalayo sa oras man ng pangangailangan ika'y aking tutulungan